![]()
Binalaan ng Department of Public Works and Highways ang publiko kaugnay sa mga pekeng social media accounts at individuals na nagpapakilala bilang tauhan ng ahensya para makapanloko.
May ilang social media accounts pa ang nagpapakilala bilang si DPWH Secretary Vince Dizon.
Sa impormasyon ng DPWH, tumatawag at nagpapadala ng mensahe ang mga pekeng account at nagsosolicit ng pera bukod pa sa pangangalap ng mga sensitibong impormasyon.
Hiniling ng ahensya sa publiko na maging vigilante at mag-ingat sa pagbibigay ng personal data, financial assistance, o anumang pabor.
Umapela ang DPWH sa publiko na agad i-report ang anumang makikitang kahina-hinalang accounts o transaksyon.
