dzme1530.ph

Publiko, binalaan laban sa umano’y ‘special treatment program’ sa BOC

Loading

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang si Commissioner Ariel Nepomuceno at iba pang opisyal ng ahensya upang humingi ng pera kapalit ng umano’y mabilisang pagproseso ng shipments.

Ayon sa BOC, modus ng mga scammer ang tinatawag na “Enrollment,” kung saan hinihikayat ang importers at brokers na magbayad ng grease money para makakuha ng preferential treatment.

Mariing itinanggi ni Nepomuceno na may ganitong programa sa BOC, at tiniyak na hindi nito papayagang gamitin ang pangalan ng ahensya para sa pansariling interes.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng panloloko.

Pinayuhan ng BOC ang publiko na agad i-report ang anumang kahina-hinalang alok sa BOC-CARES hotline 8705-6000 o email sa [email protected]

.

About The Author