dzme1530.ph

Publiko at mga awtoridad, hinimok na magkaisa upang maiawsan ang anumang sakuna sa Traslacion

Loading

Sa gitna ng pagdagsa ng mga tao, nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad, lokal na pamahalaan, at sa publiko na magtulungan upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng lahat ng lalahok sa Traslacion.

Iginiit ng senador ang kahalagahan ng maagap na paghahanda, kabilang ang kahandaan ng mga medical team, maayos na pamamahala ng trapiko, at tuloy-tuloy na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya.

Ayon kay Go, ipinapakita ng mga nagdaang insidente sa malalaking pagtitipon ang pangangailangan ng masusing pagpaplano, lalo na sa mahahabang ruta ng prusisyon at maghapong aktibidad.

Pinaalalahanan din ni Go ang mga deboto na unahin ang kanilang kalusugan at igalang ang sariling pisikal na kakayahan kasabay ng pagsasabing ang tunay na diwa ng pananampalataya ay may kaakibat na malasakit sa sariling kaligtasan at sa kapakanan ng iba.

Muli ring iginiit ng senador na mahalaga ang maayos at disiplinadong pag-uugali upang mapanatili ang kabanalan at dignidad ng okasyon. Hinikayat niya ang mga awtoridad na manatiling alerto at maagap sa pagtugon sa anumang sitwasyon.

About The Author