dzme1530.ph

Public School Teachers, gov’t workers, makatatanggap ng ₱7,000 medical allowance sa 2025

Matatanggap ng mga pampublikong guro at iba pang mga empleyado ng gobyerno ang kanilang “expanded” healthcare benefits sa 2025.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang taunang medical allowance na hanggang ₱7,000 ay ipagkakaloob sa eligible government civilian personnel, kabilang ang public school teachers sa ilalim ng Executive Order No. 64.

Inihayag ng ahensya na isa-subsidize nito ang halaga ng ilang benepisyo mula sa Health Maintenance Organization (HMO).

Sinabi ng DepEd na ang adjustment ay kumakatawan sa 1,300% increase mula sa ₱500 na medical allowance na inaprubahan noong 2020, na inilaan para saklawin ang gastos sa diagnostic tests na naka-outline sa dating department order. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author