Isusulong ng Dep’t of Budget and Managament ang professionalization ng public procurement sa ilalim ng pinalawak na Public Procurement Specialist Certification Course.
Lumagda si Budget Sec. Amenah Pangandaman sa commitment wall kasama ang State Universities and Colleges, para sa pagtitiyak ng patuloy na implementasyon ng procurement course.
Tinanggap din ang bagong partners mula sa Private Higher Education Institutions at Private Sector Organizations.
Layunin ng certificate course na ma-develop ang mga kawani ng gobyerno bilang professional practitioners, upang mahasa ang kanilang kaalaman sa public procurement at matugunan ang mga sanhi ng mga nabibigong procurements.
Hanggang noong Disyembre 2023 ay umabot na sa 3,775 procurement professionals ang naka-graduate sa certificate course.