dzme1530.ph

Public fund, hindi ginamit sa produksyon ng libro ni VP Sara —DepEd

Kinumpirma ng Department of Education na wala sa “official record” nila ang pagbabayad sa illustrators ng kontrobersyal na libro ni Vice President Sara Duterte na may titulong “Isang Kaibigan.”

Sa budget briefing sa House Appropriations Committee, sinabi ni Sec. Sonny Angara na job order employee mula sa Public Affairs Service ang dalawang illustrators ng libro.

At dahil sa wala sa kanilang official record ipinapalagay na ginawa ito ng libre o kung hindi man ay binayaran ito sa labas ng kagawaran.

Sinabi din ni Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong na walang “public fund” na ginamit para sa produksyon ng Isang Kaibigan.

Wala rin umanong papel ang DepEd sa development, printing at reproduction ng libro, at nalaman na lang nila na ito ang babasahin nio VP Sara sa programang “Araw ng pagbasa” sa isang public elementary school.

Dagdag pa ni Gonong, taun-taon isinasawa nila ang reading session at nag-iimbita ang DedEd ng “reading ambassadors” at hinahayaan nila ang mga ito na mamili ng storybook na babasahin basta’t angkop sa kakayahan at pang-unawa ng mga bata. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author