dzme1530.ph

Public Employment Service Offices, nakatulong sa pagpapataas ng bilang ng mga nagkakatrabaho sa bansa

Loading

Aabot sa 800,000 kababaihan ang nagkaroon ng trabaho o hanapbuhay sa bansa sa tulong ng mga Public Employment Service Offices (PESO), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Karamihan sa mga kababaihang ito ay kabilang sa age group na 24 hanggang 50 taong gulang.

Ayon pa sa DOLE, simula noong 2005, ngayong taon ang naitala bilang may pinakamaraming na-hire na indibidwal, na umabot sa 52.3 milyon sa buong bansa.

Tiniyak naman ng DOLE na kanilang ipagpapatuloy ang mga programa at aktibidad upang mas maraming Pilipino pa ang mabigyan ng oportunidad sa trabaho.