dzme1530.ph

PUBLIC CONSULTATION NG KAMARA SA PAGBAN NG POLITICAL DYNASTY, UMARANGKADA NA

Loading

Sinimulan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang public consultation hinggil sa panukalang i-ban ang political dynasty sa bansa.

 

Sinimulan sa Carmona City, Cavite ang rollout ng regional hearings na inisyatiba ni House Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Floor Leader Sandro Marcos bilang author ng HB No. 6771 o proposed “anti-political dynasty act.”

 

Ayon kay Panel Chairman Sia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, dinala niya sa labas ng kongreso ang pagdinig dahil sinasabi ng Saligang Batas na “sovereignty resides in the people.”

 

Hindi lang umano sila magsasalita kundi makikinig sa mismo tinig ng taumbayan na pinakaugat ng ating demokrasya.

 

Mainit namang tinanggap ni Carmona City Mayor Dahlia Loyola ang lahat ng participants sa kauna-unahang public consultation ng anti-political dynasty measures na 24 sa kabuuhan.

 

Sa paniniwala ni Adiong, hindi magiging makabuluhan ang anumang reporma kung hindi ito nakaugat sa tunay na karanasan at tinig ng mamamayan.

About The Author