Hinikayat ng Department of Finance (DOF) ang Philippine Stock Exchange (PSE) na makipagtulungan sa gobyerno sa transformation ng Capital Market upang maging shareholders ang mga ordinaryong Pilipino.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang mas malawak na public access sa investment opportunities at Broad-based Financial System ang magiging susi sa inklusibong paglago ng ekonomiya.
Kaugnay dito, umaasa si Recto na sa tulong ng PSE ay maitatatag ang Capital market na magbibigay-daan sa pagiging shareholders ng maliliit na kumpanya, at wage earners.
Samantala, pinuri rin ng DOF Chief ang matagumpay na pag-diversify ng PSE sa stock market at Proactive Capital-raising Activities na hindi lamang umano pakikinabangan ng malalaking kumpanya kundi magbubukas din ito ng oportunidad sa lahat ng Pilipino na maging investors.