dzme1530.ph

PSAC at pribadong sektor, nagsanib-pwersa para lumikha ng mas maraming trabaho

Nakipag-partner ang Private Sector Advisory Council (PSAC) sa SM Group, online platform na Jobstreet, at Business groups, para  sa pagbubukas ng mas maraming trabaho at  makatulong sa pagtugon sa job skills mismatch sa bansa.

Kahapon ay inilunsad ang Trabaho Para sa Bayan: Job Opportunities Building Skills (J.O.B.S), isang nationwide campaign kung saan nagsanib-pwersa ang PSAC at private sector upang pabilisin ang job generation at magtatag ng digital platform para sa job matching.

Nag-team up para sa nasabing hakbang ang PSAC, SM group, Jobstreet, Employers Confederation of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, at Philippine Exporters Confederation.

Magbibigay ang partnership ng digital platform para sa job seekers na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng online, habang tiniyak ng industry groups na gagamitin ang platform para maging available sa online ang job vacancies.

 

About The Author