dzme1530.ph

PSA, inayos ang kanilang website para sa mas madaling pag-access sa mga datos

Inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bago nilang website upang maging mas madali para sa mga estudyante, data analysts, at general public ang pag-access sa kanilang data.

Ibinida ni National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang improved psa.gov.ph ay mobile-friendly na, at mayroong mas maraming features na makatutulong sa paghahanap ng datos.

Mapapadali rin ang pag-search at pagbabasa ng impormasyon sa pamamagitan ng data archive at digital library.

Halos lahat ng mga pag-aaral, surveys at research na kinolekta at sinipi ng psa researchers ay maaring makita at ma-download ng mga estudyante, academe, mga mamamahayag, politiko, at publiko, sa website ng PSA. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author