dzme1530.ph

PROVINCIAL BUSES, PINAYAGAN SA EDSA PARA SA HOLY WEEK 2026 EXODUS

Loading

Pansamantalang pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA ngayong Mahal na Araw para ma-accommodate ang pagdagsa ng mga biyaherong magtutungo sa mga probinsya.

 

Ayon sa MMDA, epektibo ang kautusan simula 9 p.m. sa Miyerkules Santo, Abril 1, hanggang 6 a.m. sa Lunes, Abril 6.

 

Layunin nito na mapabilis ang pagbalik ng mga bus at matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe para sa mga commuter na palabas ng Metro Manila para sa mahabang holiday.

 

Ang mga provincial bus mula sa North Luzon ay papayagang gumamit ng EDSA subalit hanggang sa mga terminal lamang sa Cubao, Quezon City.

 

Samantala, ang mga manggagaling naman sa South Luzon ay papayagang dumaan sa EDSA hanggang sa mga terminal sa Pasay at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

About The Author