Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa mga awtoridad na paigtingin ang proteksyon sa mga medical professionals kasunod ng pagtatangkang pananambang sa 27-year old physician na si Dr. Charmaine Ceballos Barroquillo.
Si Dr. Barroquillo ay isang government physician sa Sultan Kudarat Provincial hospital na nagtamo ng seryosong injury mula sa ambush na nangyari sa isang liblib na lugar sa Maguindanao del Sur.
Ipinaalala ni Pimentel na tungkulin ng gobyerno na protektahan ang mga doktor na inaalay ang kanilang buhay sa pagliligtas at sa kalusugan ng mamamayan.
Iginiit ni Pimentel na malinaw ang panganib na kinakaharap ng mga healthcare workers sa ilang mga lugar sa bansa kung saan may mga security threat at armed conflicts pa rin.
Babala pa ng senador na magdudulot din ng chilling effect sa mga doktor, lalo na sa mga nakadestino sa mga liblib na lugar kung mabibigo ang mga awtoridad na maresolba ang inaidente.