PROTEKSYON sa karapatan ng bawat mamamayan ang target na isulong ni dating Senador Manny Pacquiao kung makabalik sa Senado.
Sinabi ni Pacquiao partikular niyang nais tulungan ang mamamayan na nananatili sa laylayan ng lipunan na dati rin niyang kinalalagyan.
Iginiit pa ni Pacman na bagama’t bilog ang mundo sa pulitika ay nananatili ang kanyang prinsipyo na diretso lagi ang taumbayan muna.
Bago ang kampanya dito sa Dagupan, Pangasinan, nagsagawa muna ng motorcade sa Dasmarinas City, Cavite si Pacquiao kasama ang iba pang Alyansa candidates na sina Senador Bong Revilla at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo.
Ayon sa grupo, ang motorcade sa Cavite ay senyales ng pinaigting pang ugnayan ng Alyansa upang palakasin ang kanilang presensya sa major voting provinces bago ang midterm elections.
Nananatili ang Dasmarinas City na key battleground para sa halalan dahil sa 2.3 milyong rehistradong botante.