dzme1530.ph

PROTEKSYON LABAN SA EXTRAORDINARY RENDITION PARA SA MGA PINOY NA MAY KASO SA IBANG BANSA, IGINIIT NG SENATE MINORITY BLOC

Loading

INIHAIN ng Senate Minority Bloc ang resolusyon na nagpapahayag na dapat protektahan ang mga Pilipino laban sa “extraordinary rendition” o ang lihim at labas sa proseso ng korte na paglilipat ng isang tao sa ibang bansa upang ikulong o imbestigahan.
 
Nakasaad sa Senate Resolution No. 307 ng minorya na dapat tiyakin ang lahat ng legal remedy dito sa bansa sa sinumang Pinoy na nahaharap sa kaso sa foreign jurisdiction.
 
Inihain ang resolusyon sa gitna ng patuloy na debate tungkol sa saklaw ng kapangyarihan ng mga banyagang korte, lalo na kung hindi muna dumaan sa mga proseso ng mga korte sa Pilipinas — isang sitwasyon na ayon sa Minority Bloc ay maaaring makasira sa soberanya at due process.
 
Binibigyang diin ng resolusyon ang mga prinsipyo ng independent foreign policy, national sovereignty, territorial integrity, at due process.
 
Binanggit sa resolusyon ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) nang hindi muna nabigyan ng pagkakataong dumulog sa mga lokal na korte na maituturing na paglabag sa due process at pambansang soberanya.
 
Nakasaad din resolusyon ang pagtukoy sa ilang nakaupong senador bilang ‘co-perpetrators’ sa isang dokumento ng ICC, na maaaring maglagay sa kanila sa panganib ng extraordinary rendition.
 
Dahil dito, iginiit ng panukala na dapat tiyakin ng estado na ang sinumang haharap sa extradition o surrender ay mabibigyan ng sapat na oras at pagkakataon na gumamit ng mga legal na remedyo sa bansa.

About The Author