dzme1530.ph

Protected shark species, ibinebenta sa isang pamilihan sa Matnog, Sorsogon

Paiigtingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol ang pagbabantay sa mga palengke at bagsakan ng mga isda sa rehiyon.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng local authorities ang bentahan ng protected shark species sa isang pamilihan sa Matnog, Sorsogon.

Napatunayan sa inspeksyon ng BFAR-Bicol ang social media post na mayroong binebentang coral catsharks at whitetip reef sharks sa naturang palengke.

Bukod sa pinaigting na monitoring sa mga palengke at fish landing sites, magpapaskil din ang BFAR ng educational materials sa mga palengke upang ipabatid sa mga nagtitinda at sa publiko ang mga ipinagbabawal na species.

Ang mga mahuhuling nagbebenta, bumibili, at nagbi-biyahe ng protected species ay pagmumultahin ng 300,000 hanggang ₱1 million at maaring makulong ng lima hanggang walong taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author