Bagama’t hindi pa nababasa ang buong panukala para sa dagdag na buwis sa sweetened beverages at junk foods, nagpalabas na ng paalala si Senador Sherwin Gatchalian kaugnay dito.
Iginiit ni Gatchalian, chairman ng Senate Ways and Means Committee na bago pag-isipan ang anumang pagtataas ng buwis ay dapat isaayos muna ang sistema ng tax administration.
Kailangan anyang maisulong nang maayos ang digitalization upang mas maging madali sa mga taxpayers ang pagbabayad ng buwis.
Ipinaliwanag ng senador na ang anumang pagtataas ng buwis nang hindi isinasaayos ang sistema sa tax administration ay magdudulot lamang ng dagdag problema.
Nananiniwala ang mambabatas na hangga’t hindi maayos ang sistema sa pagbabayad ng buwis, lalo lamang pinapaboran ang mga tiwali at sadyang hindi nagbabayad ng obligasyon sa gobyerno habang sinasamantala naman itong oportunidad para sa korapsyon ng ilang opisyal. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News