Inilatag na ng administrasyong Marcos ang hihilinging P6.352-T national budget para sa susunod na taon.
Inanunsyo ni Dep’t of Budget and Management Sec. at Development Budget Coordination Committee chairperson Amenah Pangandaman ang proposed P6.352-T 2025 budget, matapos ang 188th meeting ng DBCC.
Ito ay katumbas umano ng 22% ng gross domestic product ng bansa, at mas mataas ito ng 10.1% sa P5.768-T 2024 budget.
Sa ilalim ng panukalang budget, ipagpapatuloy ang mga nasimulan sa unang dalawang taon ng administrasyon kasabay ng pagsusulong ng economic at social transformation.
Tututukan din ang pag-develop at pag-protekta sa kakayanan ng mga indibidwal at pamilya, at pagpapaunlad sa production sectors upang makalikha ng mas maraming dekalidad na trabaho at produkto.