dzme1530.ph

Proposed extension ng Rice Tariffication Law, suportado ng DA

Suportado ng Department of Agriculture (DA) ang proposed extension ng Rice Tariffication Law (RTL) na nagtakda ng malayang importasyon ng bigas.

Pabor si DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na palawigin ang RTL, ngunit kailangan umanong magkaroon ito ng adjustments o mga pagbabago upang maging angkop sa kasalukuyang panahon.

Kabilang sa mga iminungkahing modifications ng kalihim ay ang paglalaan sa labis na pondo sa ₱10-B Rice Competitiveness Enhancement Fund, para sa farm at iba pang inputs.

Dapat din umanong dagdagan pa ang alokasyon para sa pag-aangat ng competitiveness ng mga magsasaka.

Bukod dito, isinulong din ni Laurel ang pagpo-pondo sa mga proyekto tulad ng postharvest facilities, na nakikitang magre-resulta sa pagbaba ng importasyon.

Ang Rice Tariffication Law na isinabatas noong 2019, ay nakatakda nang mag-expire sa susunod na taon.

About The Author