dzme1530.ph

Proposed budget ng OVP sa 2025, tumaas ng 8%

Dinagdagan ang proposed budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, kabuuang ₱2.037-B ang panukalang budget para sa OVP, mas mataas ng walong porsyento kumpara sa ₱1.874-B na budget nito ngayong taon.

Nakapaloob dito ang ₱188.5-M para sa personal services, ₱1.79-B sa maintenance and other operating expenses, at ₱56-M sa capital outlay.

Kinumpirma naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na hindi humiling ang OVP ng confidential funds kaya’t hindi rin nila ito nilagyan ng alokasyon.

Mababatid na una nang tinanggalan ng confidential funds ang OVP sa ilalim ng 2024 budget, sa harap ng isyu sa paggasta sa ₱125-M na confidential funds sa loob ng 11-araw noong 2022.

About The Author