dzme1530.ph

PROPOSED BAYANIHAN 3, ISINUSULONG

Loading

Isinusulong ni Senador Loren Legarda ang Senate Bill 2020 o ang Proposed Bayanihan 3: Power To The People Act.

 

Ang panukala ay komprehensibong emergency measure upang protektahan ang publiko sa pandaigdigang krisis sa langis.

 

Nakapaloob sa panukala ang calibrated authority ng pamahalaan upang manghimasok sa energy sector kung kinakailangan upang maiwasan ang supply disruptions at mapanatiling stable ang presyo.

 

Nakasaaad sa panukala ang pag-aaral sa posibleng pagpapataw ng windfall tax sa sobrang kita at kontribusyon ng pinakamayayamang indibidwal.

 

Maglalaan din ng direktang subsidiya para sa krudo sa mga kwalipikadong tsuper gayundin ang mga magsasaka at mangingisda mula 5,000 hanggang 10,000 pesos kada buwan.

 

Sinabi ni Legarda na ang krisis na ito ay babala at pagkakataon sa bansa upang lumaya din sa pagiging bihag ng imported fossil fuel.

About The Author