dzme1530.ph

Proposed 2024 Tax Allotment sa LGUs, itinaas sa P871.3-B

Itinakda sa P871-B ang alokasyon sa National Tax para sa mga lokal na pamahalaan sa susunod na taon.

Ito ay katumbas ng 6.23% na pagtaas o karagdagang P51.11-B, mula sa P820.2-B na parte ng LGUs sa buwis sa kasalukuyang taon.

Kabilang sa mga makikinabang dito ang 83 lalawigan, 148 na siyudad, 1,486 na munisipalidad, at 41,953 na brgy.

Ayon sa Department of Budget and Management, itinaas ang alokasyon ng buwis sa LGUs bunga ng mas mataas na revenue collection noong fiscal year 2021, kasunod ng pagbubukas ng ekonomiya mula sa mga lockdown dahil sa pandemya.

Ito ay alinsunod din sa mithiin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang maayos na paggamit ng resources hanggang sa lokal na lebel para sa pagsulong ng ekonomiya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author