dzme1530.ph

Proposed 2024 National Budget, ‘di tutugon sa economic crisis ng bansa

Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na hindi matutugunan ng panukalang 2024 National Budget ang nararansan ngayong krisis sa ekonomiya ng bansa.

Ito anya ay kasunod ng pagbabawas ng pondo sa mga programa na nilalayong tulungan ang mga apektadong Pilipino ng mataas na presyo ng mga bilihin at kawalan ng mapagkakakitaan.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi maramdaman ng mamamayan lalo na ng marginalized sector ang sinasabing “better economic situation,” ng gobyerno lalo na’t walang tigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin at basic services.

Idinagdag pa ng Senado na hindi pa rin matatakasan ng bansa ang epekto ng mga pagbaha, El Niño phenomenon, at mga limitasyon sa pag-import na ipinapataw ng mga exporter ng ASEAN, kasama ang pagtaas ng gastos ng mga produktong langis at petrolyo dahil sa labanan sa Ukraine.

Kinuwestyon din ni Hontiveros ang economic team kung bakit hindi pa rin nagpapatupad ng anumang non-monetary measure upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahil dito, iginiit ng senador na kung ayaw ng executive branch ng non-monetary measures, mas magandang maisama sa probisyon ng national budget ang mga assistance programs na magbibigay-daan sa mga mahihirap na makayanan ang tumataas na inflation. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author