dzme1530.ph

Properties ng KOJC, hindi nakapangalan kay Apollo Quiboloy, ayon sa abogado

Walang real estate property na naka-rehistro sa ilalim ng pangalan ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na isinailalim sa freeze order ng Court of Appeals, ayon sa kanyang legal counsel na si Israelito Torreon.

Ginawa ng abogado ang pahayag para linawin na hindi nag-takeover si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa assets ni Quiboloy, at sa halip ay nagsisilbi ito bilang administrator ng KOJC properties.

Noong Marso ay inanunsyo ng media arm ng KOJC na Sonshine Media Network International ang appointment kay Duterte bilang KOJC Administrator.

Una nang pinalawig ng appellate court ang freeze order sa properties at bank accounts ni Quiboloy simula Aug. 20, 2024 hanggang Feb. 6, 2025.

Saklaw ng naturang kautusan ang bank deposits, real estates, pati na iba pang properties na nasa ilalim ng pangalan ng pastor at ng KOJC. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author