dzme1530.ph

PROMOTION NG MAHIGIT 5,000 NA GURO, ITINUTURING NA SIGNIFICANT STEP SA CAREER REFORM NG DEPED

Loading

Inaprubahan ng Department of Education (DepEd)  ang 5,335 na matagal nang pending na teacher promotion request na inihain sa dating rules.

 

Itinuturing ito bilang “significant step” sa kanilang transition sa Expanded Career Progression (ECP) Program.

 

Ayon sa DepEd, inaprubahan ang request sa mga lumang kaso na  naghihintay sa ilalim ng lumang promotion rules, kabilang na ang mga nai-proseso  sa pamamagitan ng equivalents record form at naunang  department orders na inisyu noong 1979 at 2011. 

 

Ang approval ay bahagi ng hakbang ng ahensya na maipatupad ng buo ang bagong ECP system na idinesenyo upang  mabigyan ang mga pampublikong guro sa buong bansa ng mas malinaw at maliwanag  na daan para sa kanilang promotion batay sa kanilang qualifications at performance.

About The Author