dzme1530.ph

Programa sa pautang sa onion farmers, inilapit sa mga taga-Central Luzon!

Inilapit ng gobyerno sa Central Luzon ang programa sa pagpapautang sa mga nagtatanim ng sibuyas.

Nagsagawa ang Department of Agriculture (DA) ng information caravan kaugnay ng Agri Credit Programs for Onion Farmers, sa Palayan City, Nueva Ecija, at dinaluhan ito ng nasa 120 magsasaka.

Itinuro sa kanila ang requirements para sa loan at insurance programs.

Inalalayan din ang mga interesado at eligible farmers sa pag-proseso sa kanilang loans.

Sinabi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayong agriculture sec., na palawakin ang financing services sa mga magsasaka sa harap ng mithiing maibaba ang presyo ng mga bilihin.

Sa ilalim ng AgriNegosyo Loan Program for Onion Farmers, maaaring makautang ang mga magsasaka ng hanggang 300,000 kada ektarya, at P15-M sa farmer organizations and associations nang walang interes. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author