dzme1530.ph

Programa ng DOST para sa lokal na produksyon ng agri-machineries, inaprubahan ng Pangulo

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang programa ng Dep’t of Science and Technology para sa pagpapalakas ng lokal na produksyon ng mga makinarya sa agrikultura.

Sa sectoral meeting sa Malacañang, inihayag ni DOST Sec. Renato Solidum Jr. na sa ilalim ng local manufacturing capabilities to support agri-mechanization program, uunahin na ang local production ng machineries kumpara sa importasyon.

Iginiit pa ni Solidum na ang mechanization ang susi sa pagpapababa ng cost o gastusin sa pagtatanim, at makikinabang din dito ang manufacturing industry.

Ang programa ay suportado rin ng Dep’t of Agriculture.

Kaugnay dito, inatasan ng Pangulo ang DOST, DA, at iba pang research institutes na pangasiwaan ang research and development ng agri-mechanization kaakibat ng maayos na implementasyon ng programa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author