dzme1530.ph

Produksyon ng asukal ngayong taon, posibleng bumaba ng 15%

Posibleng bumaba ang volume ng ma-aaning asukal ngayong taon dahil sa El Niño.

Ito ang inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona na maaaring mabawasan ng 10% hanggang 15% ang tinatayang 1.85-M MT na produksyon ng asukal para sa crop year 2023.

Subalit, nilinaw ni Azcona na ang inisyal na pagtaya ngayong taon ay mas mataas kumpara sa 1.79-M MT ng raw sugar output noong 2022.

Sa ngayon, nasa maayos na sitwasyon aniya ang suplay ng asukal sa bansa, at patuloy rin ang mahigpit na monitoring ng ahensya sa inaasahang El Niño sa darating na Nobyembre. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author