dzme1530.ph

Procurement ng F16 fighter jets, long term investment sa defense capability ng Pilipinas

Loading

Maituturing na long-term investment para sa defense capability ng bansa ang plano ng pamahalaan na bumili ng F16 fighter jets.

Ito, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, ay mahalagang hakbang para mapalakas ang national defense ng Pilipinas sa gitna ng tumataas ng security concern, lalo na sa West Philippine Sea.

Para sa senate leader, magiging malakas na pangontra sa agresyon ang pagpapahusay sa air defense ng bansa.

At kung ikukonsidera aniya ang timeline ng delivery ng fighter jets, na inaasahang aabutin ng apat hanggang limang taon, ay tama lang na kumilos na ngayon ang pamahalaan.

Dinepensahan din ni Escudero ang fighter jet deal mula sa mga concern o nag-aalalang magkakaroon ito ng economic impact sa bansa.

Pautay-utay  naman aniya ang magiging pagbayad sa 5.5 billion US dollar deal at hindi pa naman din pinal ang magiging terms of payment.

Binigyang diin din ng senador na ang national security at economic stability ay dapat ring ituring na prayoridad.

About The Author