Iminungkahi sa MMDA ni Cavite 1st. Dist. Rep. Jolo Revilla na tugunan muna ang problema sa pumapalyang traffic lights, hindi makitang traffic signages, at kupas na road markings bago ipatupad ang NCAP sa kalakhang Maynila.
Inihalimbawa ni Revilla ang viral video ng traffic light sa Abad Santos Ave. sa Maynila na agad nagre-red light mula sa green light kahit hindi pa tapos ang countdown timer.
Aniya, ang mga ganitong flowed traffic infrastructure ay “NCAP Traps” sa mga motorista na maakusahang lumalabag sa batas trapiko.
Giit ni Revilla, ang NCAP ay dapat magsulong ng ‘culture of discipline’ sa mga tsuper, at hindi revenue-generating tool na nagtutulak sa drivers na maging biktima dahil sa poor traffic management at outdated infrastructure.
Saad pa nito, hindi dapat parusahan ang mga tsuper dahil sa pagkukulang ng gobyerno.
Dahil dito iminungkahi ni Revilla ang pagbuo ng public reporting system upang doon ire-report ng mga motorista ang sirang traffic infrastructures ng walang pinangangambahan.