dzme1530.ph

Problema sa plastic driver’s license, mareresolba bago matapos ang taon

Nangako si Land Transportation Office Acting Chief Hector Villacorta na bago matapos ang taong 2023 ay natapos na ang lahat ng backlog sa plastic driver’s license.

Sa pagdinig sa Senado, kinumpirma ni Villacorta na umaabot na sa 5-M ang kanilang backlog sa plastic driver’s license.

Kaya naman anya magsasagawa sila ng fast purchase para sa plastic license cards sa susunod na dalawang buwan.

Idaraan anya ang procurement sa National Economic Development Authority (NEDA).

Kasabay nito, inihayag ni Villacorta na pinag-aaralan na nilang tanggalin ang comprehensive examination para sa mga magre-renew ng lisensya.

Binigyang-diin ng opisyal na wala siyang nakikitang rason para sa comprehensive examination dahil hindi naman na anya nabibitiwan ang pagkatuto sa pagda-drive. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author