Ilulunsad ng Department of Social Welfare and Development ang “Tara, Basa” program na layuning malutas ang problema ng hirap sa pagbasa ng maraming elementary students sa Metro Manila.
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, itinakda na sa Miyerkules, Agosto a-2, ang launching at signing ng Memorandum of Agreement sa Rizal High School sa Pasig City, kasama ang mga kalahok na lokal na pamahalaan at mga paaralan.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Education, ipatutupad ang programa kung saan ang mga piniling mag-aaral ay sasailalim sa Reading Tutorial Program.
Magsisilbi namang tutor ang college students mula sa local o state universities and colleges na babayaran ng gobyerno.
Batay sa reading assessments para sa 2022-2023, halos 160,000 elementary students sa NCR ang hirap pa rin sa pagbasa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News