Umabot na online ang agawan sa Territorial Waters dahil mayroong Pro-China Vloggers na nasa bansa ang sinisikap na sirain ang kredibilidad ng Pilipinas.
Isa sa propagandang ipinakakalat sa internet ay ginagamit lamang umano ng Amerika ang Pilipinas laban sa China.
Ayon kay Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., naka-i-insulto ito sa mga pilipino na tila pinalalabas na hindi tayo marunong mag-isip para sa sarili at hindi kayang ipaglaban ang sariling karapatan.
Samantala, binigyang diin din ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na walang karapatan ang China na pigilan ang Pilipinas na kumpunihin ang nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil hindi naman sila pinakikilaman ng bansa nang magtayo sila ng Artificial Islands sa pinag-aagawang teritoryo.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera