![]()
Agad na bumuo ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 3 (PRO 3) para imbestigahan ang umano’y pagnanakaw ng limang pulis sa isang pribadong kontraktor sa Porac, Pampanga.
Ayon kay PRO 3 Regional Director Brig. Gen. Rogelio Peñones, nirelieve na sa puwesto ang limang pulis at kasalukuyang nasa restrictive custody.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Porac Police, nilooban ng apat na lalaking naka-bonnet ang bahay ng kontraktor. Dinala rin nila sa loob ng palikuran ang kasama nitong bisita bago isinagawa ang pagnanakaw ng pera na tinatayang nagkakahalaga ng ₱14 milyon.
Lumabas sa imbestigasyon ang posibleng pagkakasangkot ng mga pulis, na nakatanggap umano ng sulat mula sa kanilang mga kasamahan sa Angeles City. Tatlo sa mga pulis ay may nakaraang rekord sa shooting incident at robbery/extortion.
Ang limang pulis na sangkot ay may ranggong Colonel, Major, at Staff Sergeant, at may kasamang isa mula sa Zambales Police Station.
Ngayong araw ay nakatakdang i-file ang mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga pulis.
