Patuloy na makikipagtulungan sa administrasyon ang pribadong sektor upang maipagpatuloy din ang pag-angat ng employment situation sa bansa.
Sa pagpupulong sa Malakanyang, inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na hangarin nilang maibaba pa ang Unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa pamamagitan ng Job matching, Upskilling, at pagtatatag ng tulay sa Job distribution.
Suportado rin nito ang Certification programs at kolaborasyon sa iba’t-ibang industriya at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO).
Kaugnay dito, sinabi ni PSAC Representative Teresita Sy-Coson na nakakasa na ang Job fairs sa 50 malls ngayong taon.
Mababatid na naitala noong Disyembre 2023 ang 96.9% Employment rate sa bansa na pinakamataas simula noong Abril 2005.