Inihayag ng Department of Education (DepEd) na may kalayaan ang mga pribadong paaralan na i-adjust ang kanilang academic calendar katulad sa Public Schools para sa unti-unting pagbabalik sa June to March School year.
Ginawa ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas ang paglilinaw kasunod ng paglalabas ng Department Order 003 na nagtatakda sa End of School Year 2023-2024 sa May 31, 2024 para sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Bringas, ilang Private schools ang nagbukas ng kanilang Academic year noong July o June noong nakaraang taon pero mayroon ding sumabay sa opening ng Public schools noong August 2023.
Nabatid na itinakda ang pagsisimula ng School Year 2024-2025 sa mga pampublikong paaralan sa July 29, 2024 at matatapos sa May 16, 2025.
Ibig sabihin, magsisimula ng June 1 hanggang July 28 ang School break ng mga estudyante.