dzme1530.ph

Private school applications para sa tuition increase, renewal ng permit pinalawig ng DepEd

In-extend ng Department of Education (DepEd) ang application period para sa tuition, pagtataas ng fee at renewal ng permit to operate ng mga private school para sa SY 2023-2024.

Sa inilabas na DepEd memorandum no. 19 series of 2023, ipinatupad ang adjustment dahil sa COVID-19 pandemic at para na rin mabigyan ng oras ang mga private education institution na mag-comply sa mga consultation at documentary requirements.

Ayon sa DepEd ang deadline sa pagsasagawa ng konsultasyon para sa tuition at iba pang increases ay inilipat mula Marso 30 sa Hunyo 15, 2023.

Habang ang deadline naman ng submission ng documentary requirements ay pinalawig mula Marso 15 sa Hunyo 30, 2023.

Inilipat din ang renewal of permits ng mga pribadong eskwelahan mula Pebrero 1 sa Abril 15, 2023.

Ang deadline of application naman para sa bagong offerings ng SY 2024-2025 ay inurong mula Agosto 30 sa Oktubre 31, 2023.

Samantala, nagpaalala ang DepEd sa mga regional directors na suriing mabuti ang mga aplikasyon para sa mas maayos at magandang takbo ng incoming school year. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author