dzme1530.ph

Private engineers, dapat mag-review sa gov’t infra upang maiwasan ang ghost projects –House Infra Comm chair

Loading

Plano ni House Committee on Infrastructure Co-Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na magsulong ng batas para sa pagsasagawa ng private inspection sa government infrastructure upang maiwasan ang mga insidente ng ghost projects.

Sinabi ni Ridon na dapat obligahin ang mga engineer mula sa private sector na inspeksyunin at bigyan ng clearance ang government projects bago i-release ang bayad sa mga contractor.

Aniya, dapat siguraduhin ng mga inhinyero mula sa pribadong sektor kung ang proyekto ay kompleto, dekalidad ang mga materyales, at tumalima sa inaprubahang disenyo.

Idinagdag ng kongresista na dapat i-deploy nang random ang private inspectors, sa halip na i-assign sila sa partikular na district engineering offices.

About The Author