dzme1530.ph

Private employers, hinimok magbigay ng iba pang benepisyo sa mga manggagawa

Kulang na kulang ang P40 wage hike sa Metro Manila.

Ito ang binigyang-din ni Senador Grace Poe kasabay ng pahayag na ang kanyang hinahangad na sahod sa mga manggagawa ay makapagbibigay ng isang buhay na may dignidad para sa bawat manggagawang Pilipino.

Idinagdag ni Poe na napag-iwanan na ang suweldo ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at petrolyo.

Dahil dito, hinimok ni Poe ang mga employer na may kakayahan na magbigay ng karagdagang allowance o benepisyo sa ibang paraan.

Dapat anyang pagtulung-tulungang mabigyan ang mga manggagawa ng disenteng buhay ang kanilang pamilya. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author