dzme1530.ph

Private college entrance examinations, libre na para sa mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante

Magiging libre na ang College Entrance Exams sa Private Schools para sa mga matatalino ngunit mahihirap na mag-aaral.

Ito ay matapos mag-lapse into law ang Republic Act 12006 o ang Free College Entrance Examinations Act.

Sa ilalim nito, itinakda ang limang kondisyon para sa libreng entrance exam sa mga private higher education institutions kabilang dito ang

1. Natural-born Filipino Citizen ang isang graduate o graduating student
2. Ang Estudyante ay pasok sa Top 10% ng graduating class
3. Pamilyang may combined income na nasa ilalim ng poverty threshold ng NEDA
4. Ang estudyante ay dapat mag-apply sa college entrance exam
5. Pagtugon sa lahat ng requirements ng private school.

Inaatasan naman ang Commission on Higher Education (CHED) na buuin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Free College Entrance Exams Act kaakibat ng pagtatakda ng mga sanction o parusa sa mga paaralang lalabag sa batas na ito.

About The Author