Tiniyak nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez, na uunahin nilang tapusin ang lahat ng priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Third Regular Session.
Ayon kay Speaker Romualdez, sumentro ang talakayan ng dalawang lider sa amendments sa Rice Tariffication Law (RTL) bilang top priority.
Ang pag-amyenda sa RTL ay para masiguro na ‘affordable at quality’ ang bigas na mabibili ng bawat pamilyang Pilipino at mapataas din ang kita ng magsasaka.LEDAC
Bukod sa RTL inusisa rin ang 20 LEDAC priority at 2023 SONA priority measures na tapos ng lahat sa Kamara at ang Common Legislative Agenda (CLA).
Out of 59 CLA, 56 nito ay aprubado na sa Kamara habang ang natitira na lamang na pending o under consideration ay ang amendments sa EPIRA, National Defense Act at Budget Modernization Bill.