
Hindi sapat ang “pricing reform” na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya.
Kaugnay itosa atas ng Pangulo sa DPWH na ibaba sa 50% ang presyo ng construction materials sa lahat ng proyekto nito.
Ayon sa Makabayan bloc, welcome move ang direktibang ito at nais din nilang ipatupad sa Department of Education, Department of Agriculture, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, Department of Transportation at National Irrigation Administration subalit kulang ito dahil ang tunay na dapat alisin ay ang “pork barrel system.”
Punto nina Reps. Antonio Tinio, Renee Louise Co, at Sarah Jane Elago, malaki man ang matitipid sa 50% pagbaba ng construction materials cost, hindi pa rin nito matatanggal ang korapsyon. Anila, ang ugat ng katiwalian ay ang pork barrel system na nagbibigay kontrol sa mga legislator at kasapi ng ehekutibo sa mga proyekto, at nagiging daan sa kickbacks, ghost projects, at substandard construction.
Giit ni Tinio, ‘wishful thinking’ ang reform hangga’t walang ‘systemic change.’ Para kay Co, ang solusyon ay pagtanggal sa pork barrel, habang tinawag ni Elago itong ‘cosmetic reform’ dahil maganda pakinggan subalit hindi naman nasosolusyunan ang tunay na problema.
 
								