Nagpatupad ng price freeze ang Department of Energy (DOE) sa produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga cylinders, 11kg pababa at kerosene sa mga lalawigan na apektado ng El Niño phenomenon.
Mula sa abiso ng DOE, ang nasabing price freeze ay epektibo sa loob ng 15 araw sa Municipality ng Paglat, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Province of Maguindanao, dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ito ay matapos magdeklara ang munisipyo ng paglat ng State of Calamity, dulot ng nararanasang matinding tagtuyot sa nasabing lalawigan.
Ang deklarasyon ng price freeze ay nanatili ang bisa nito mula April 4 na tatagal hanggang April 18 base narin sa ipinasa ng Sangguniang Bayan na Resolution No. 40 series of 2024.