dzme1530.ph

Price freeze monitoring sa mga establisyimento sa MIMAROPA, isinagawa ng DTI

Patuloy na nagsasagawa ng price and supply monitoring at information dissemination ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) MIMAROPA upang tiyakin na sumusunod ang mga establisyimento sa inilabas na price freeze bulletin ng ahensya.

Binigyang-diin ng DTI na may karampatang parusa ang mga mapapatunayang lumabag sa nakatakdang price freeze.

Paalala ng DTI bukod sa P5,000.00 hanggang P1,000,000.00. multa sa mga lumabag, kasama rito ang parusang 1 hanggang 10 taon pagkakakulong.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang ilang bayan ng MIMAROPA dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.

About The Author