Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Alinsunod sa Price Act, otomatik na walang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Saklaw ng price freeze ang delatang isda, gawang lokal na instant noodles, bottled water, tinapay, gatas, kape, kandila, sabong panlaba, panlinis at asin.
Kabilang sa mga nagdeklara na ng state of calamity dahil sa bagyong Kristine ay ang lalawigan ng Albay at Bayan ng Magpet sa Cotabato.
Binalaan ng DTI na ang mga price freeze violators ay maaaring makulong ng isa hanggang 10 taon o pagmultahin ng ₱5,000 hanggang ₱1-M, o parehong parusa, depende sa hatol ng Korte. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera