Epektibo na ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Metro Manila, matapos itong isailalim sa state of calamity sa harap ng matinding pag-ulan at kabi-kabilang pagbaha bunsod ng bagyong Carina at Southwest monsoon o hanging Habagat.
Ayon sa Dep’t of Trade and Industry, hindi muna maaaring galawin ang presyo ng basic necessities alinsunod sa Price Act of the Philippines.
Kabilang sa mga saklaw ng price freeze ang bigas, mais, instant noodles, de latang sardinas, itlog, kape, gatas, bottled water, asin, asukal, gulay, at karneng baboy, baka, at manok.
Kasama rin ang sabong panlaba at essential medicines na tinukoy ng Dep’t of Health.
Tiniyak ni DTI Sec. Alfredo Pascual na mananatiling abot-kaya at accessible ang basic goods sa mga apektadong residente.