dzme1530.ph

Price cap sa bigas, palabas lang ng administrasyon

Madramang aksyon at palabas lamang ang ipinatupad na price cap sa bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Reaksyon ito ni Senador Risa Hontiveros kasunod ng pag-lift ng Pangulo sa pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.

Naniniwala ang senadora na layun lamang ng aksyon na takutin ang publiko at maihanda ang bansa sa hindi ordinaryo at iregular na importasyon ng bigas.

Sa kabila aniya ng isang buwang pagpapataw ng price cap sa bigas, hindi naman nakamit ang layunin na tukuyin, makasuhan at maparusahan ang mga kartel, hoarders, at price manipulators.

Idinagdag pa ni Hontiveros na aa kasamaang palad ay mukhang mga rice retailers ang napuruhan at napilitang pumila para sa kanilang mga ayuda. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author