dzme1530.ph

Price cap at SRP sa bigas, hindi muna ire-rekomenda sa kabila ng sumipang rice inflation

Hindi pa magre-rekomenda ang Dep’t of Agriculture ng pagtatakda ng price ceiling o suggested retail price (SRP) sa bigas, sa kabila ng naitalang 15-year high 24.4% na rice inflation para sa buwan ng Marso.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, wala sa plano ang price cap o SRP dahil magkakaroon ito ng mabigat na epekto.

Sinabi rin ni De Mesa na unti-unti nang bumababa ang presyo ng bigas kada buwan, mula sa P52 per kilo pababa sa P49-P50 ngayong buwan.

Inaasahan namang babalik na sa normal ang rice inflation sa Agosto.

Tiniyak ng DA ang patuloy na pagsusumikap na mapababa ang production cost sa bigas tungo sa nananatiling mithiin na makamit ang bente pesos na kada kilo ng bigas.

About The Author