dzme1530.ph

Pribadong sektor, hinimok ng DepEd na makiisa sa Brigada Eskwela 2025

Loading

Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang pribadong sektor na makiisa sa nalalapit na Brigada Eskwela bago ang opisyal na pagbubukas ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon sa DepEd Memorandum Order no. 42, Series of 2025, isasagawa ang Brigada Eskwela sa June 9 hanggang 13, bago ang pagsisimula ng School Year 2025-2026 sa June 16.

Sa ambush interview, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang opisyal na pagsisimula ng isang linggong aktibidad.

Binigyang diin din ni Angara na hindi mandatory ang pinansyal na kontribusyon mula sa mga magulang na makikibahagi sa Brigada Eskwela.

 

 

About The Author