dzme1530.ph

PRIBADONG SEKTOR, HINIMOK NA MAGPATUPAD DIN NG FLEXIBLE WORK ARRANGEMENTS PARA SA MGA MANGGAGAWA

Loading

UPANG makabawas sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, hinikayat ni Senador Francis Chiz Escudero ang mga pribadong kumpanya na ikunsidera na rin ang pagpapatupad ng 4-day onsite workweek o staggered work-hour schemes.
 
Sinabi ni Escudero na malaki ang maitutulong ng flexible work arrangement para mabawasan ang pangangailangan sa pang araw-araw na transportasyon, mapababa ang gastos sa operasyon, at makapagbigay ng dagdag na ginhawa sa mga manggagawa.
 
Mahalaga anyang maagap na kumilos ang buong bansa para maging mas handa sakaling lumala pa ang sitwasyon.
 
Binigyang-diin ng mambabatas na malaki ang maitutulong ng partisipsayon ng pribadong sektor sa pagpapalakas ng mga benepisyo ng pansamantalang pagpapatupad ng pamahalaan ng compressed work arrangement, lalo na sa mga pangunahing business district.
 
Hinimok din ng senador ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa mga kumpanya sa pagpapatupad ng mga mobility strategy tulad ng sabayang staggered schedules, mas maayos na pedestrian access, at mas ligtas na cycling routes.
 
Nanawagan din si Escudero sa publiko na makibahagi sa pagtitipid sa enerhiya sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa malalapit na biyahe, carpooling at paggamit ng mga energy-efficient na gawain sa bahay.

About The Author